BANDA VS. MultiLevel Marketing
Nka chat ko isa sa dating ka-band mate ko na matagal-tagal ko ding hindi nakausap, hanggang sa di namalayan bumalik sa nakaraan ang aming usapan.. Nung gabi na matutulog na ako, bigla may pumasok sa isipan ko at na realize ko na "ang pag babanda pala parang Networking din"..
Nka chat ko isa sa dating ka-band mate ko na matagal-tagal ko ding hindi nakausap, hanggang sa di namalayan bumalik sa nakaraan ang aming usapan.. Nung gabi na matutulog na ako, bigla may pumasok sa isipan ko at na realize ko na "ang pag babanda pala parang Networking din"..
Pano ba kami nagsimula noon? sa isang kwentuhan biglang nagkayayaan na bumuo ng isang grupo, dahil sa nawalan sila ng bokalista kaya napasok naman ako, dahil sa pangarap na balang araw ay sisikat din gaya ng ibang grupo pinilit kong pagaralan ang bawat kanta na kakantahin ko, kahit mahirap, dahil kailangan, pipiliting abutin ang nota kahit hindi bagay sa boses ko.
Dahil sa nakapasok na ako sa banda noon hindi ibig sabihin nun na sikat
na ako, kailangan pa pala ng sangkatutak ng practice limang beses sa
isang linggo, kailangan pa bumili ng sariling gamit na instrumento ang
bawat miyembro ng grupo, hindi pala porke may practice at may gamit ka na
magiging tool na kaagad to sa pagsikat mo..
Kailangan pa pala
maghanap ng kliyente mga bar, pyesta, birthday at kahit na anong okasyon
kailangan patusin dahil sa kagustohan at dahil sa pangarap na balang
araw kailangan mo sumikat, pero hindi pala porke nag ka kliyente ka na,
regular na tugtog sa bar eh sikat ka na kaagad.
kulang-kulang
na limang taon nag seryoso, tugtog dito tugtog dun, pero ano napala ng
grupo? kasama dun sa 98% na nag fail sa napiling propesyon hanggang sa
nagkasawaan, nagpalit-palit ng myembro, banda dito, banda doon, pero wala
din, at tuluyang nabuwag ng walang napala ang bawat myembro.
Bakit daw? dahil unang una walang proper training, walang regular
practice, kulang ang effort na binibigay, kulang ang oras na nilalaan
para pag usapan ang pangarap at mas madami pang oras sa mga walang
kwentang bagay at parelax relax sa madaling salita walang goal ang grupo. Ganyan din sa MLM, 95% nag fail dahil
sa ganyang kaugalian sa Networking pag binuhos mo ang oras at effort mo
siguradong may sukli lahat ng paghihirap mo..
1. Pag na join ka sa Networking gaya ng pagpasok sa banda, hindi ibig sabihin yayaman ka na.
2. Pag magaral kang maigi, mag basa gaya ng pag memorize ng bawat
lyrics at nota sa banda, hindi ibig sabihin nun yayaman ka na.
3. Pag bumili ka ng produkto, demo kit, marketing materials para
magiging tool mo sa paglalakbay mo gaya ng pagbili mo ng instrumentong
gagamitin mo sa banda, hindi ibig sabihin nun yayaman ka na.
4.
Pag panay ang attend mo ng trainings, personality development gaya ng
panay practice sa banda hindi ibig sabihin nun yayaman ka na.
5. Pag sunod sunod ang demo mo, home party, office party, table
discussion, 1on1, gaya ng mga sunod sunod na GIG sa banda, hindi ibig
sabihin nun yayaman ka na.
6. Pag dumami ang downlines mo gaya ng pagdami ng tagahanga mo sa banda hindi ibig sabihin nun sikat at yayaman ka na.
Eh paano na? ANONG PINAGKAIBA???
Sa Networking pag pinaulitulit mong ginawa, pag nakasanayan mo
araw-araw, pag pinaglaanan mo ng tamang oras, pag pinahalagahan mo at
sinamahan ng magandang paguugali at nagtyaga ka ng dalawa hanggang apat
na taon sa pag build mo ng network mo, sa networking siguradong
magkakaresulta ka ng higit pa sa inaasahan ng isang banda..
At
syempre kailangan manalig ka, maging mataas ang tiwala mo sa sarili mo
na mababago ang buhay mo patungo sa kabutihan at kailangan mo baguhin
ang mindset mo na iba ka sa isip ng karamihan at kailangan handa ka
tumanggap at umunawa ng mga negative na salita galing sa mga hindi
nakakaunawa.
"Kailangan nating tanggapin ang katutuhanan na sa
networking hindi ka kaagad yayaman ng ilang buwan, isa o dalawang taon,
pero pag nainip ka OK lang yan tuloy mo lang, bakit? napagod ka na
nasimulan mo na, naiinip ka dahil may hinihintay ka"..
Kung nasa banda ka makakarelate ka sa sinasabi ko kaibigan.. Tanggapin natin ang katotohanan..
Magandang araw..